Low Pressure Area, binabantayan ng PAGASA sa Visayas; magiging maulap sa halos buong bansa ngayong araw
Isang Low Pressure Area na nakapaloob sa Intertropical Convergence Zone ang patuloy na binabantayan ng PAGASA.
Huli itong namataan sa 650 kilometers East ng Borongan City.
Ayon sa PAGASA, magiging maulap ang papawirin ngayong araw sa halos buong bansa.
Makararanas ng mahina hanggang katamtamang pag-ulan sa buong Visayas at Mindanao, gayundin sa MIMAROPA, Bicol Region, at sa mga lalawigan ng Aurora at Quezon habang bahagyang maulap na papawirin naman ang iiral sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng Luzon.
Kaninang alas 4:35 ng umaga itinaas ng PAGASA ang Yellow Rainfall warning sa mga lalawigan ng Camiguin, Surigao Del Sur, Agusan Del Sur, Compostela Valley, Davao Oriental, Davao Del Norte, Davao Del Sur, Davao City at North Cotabato dahil sa patuloy at malakas na pag-ulan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.