Higit 250 katao, sasama kay Pangulong Duterte sa kanyang China visit
Isang malaking delegasyon ng mga negosyante ang sasama sa pagbisita ni Pangulong Rodrigo Duterte sa China sa October 19 hanggang 21.
Nasa dalawang dosenang Pilipinong negosyante lang sana ang nakatakdang sumama sa pangulo, ngunit sumobra ang dami ng mga nagpa-rehistro na makasama sa China na umabot pa sa 250.
Ayon kay Trade Undersecretary Nora Terrado, hindi pangkaraniwan ang ganitong dami ng bubuo sa isang delegasyon, lalo’t halos isang buwan pa lang ang nakakalipas nang mapagkasunduan ng dalawang bansa ang nasabing pag-bisita.
Mababatid dito na maraming negosyanteng Pilipino ang nagnanais na makipag-usap sa mga Chinese business leaders, pati na sa mga opisyal ng kanilang pamahalaan upang makabuo ng kasunduan sa negosyo.
Inaasahang pagbisitang ito ni Duterte sa China ay posibleng maging hudyat ng pagbabago sa relasyon nito at ng Pilipinas na nabahiran ng problema sa teritoryo sa South China Sea.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.