‘3-day No Window Hours Policy’ simula na ngayon

By Jay Dones October 12, 2016 - 04:24 AM

 

Inquirer file photo

Simula na ngayong araw ang tatlong araw na ‘dry-run’ ng pagpapairal ng ‘no window hours’ policy sa apat na pangunahing lansangan sa Metro Manila.

Sa ilalim ng ‘no window hour policy’ aalisin na ang 10 AM hanggang 3 PM ‘window’ para sa mga sasakyang dapat sana ay ‘banned’ dahil sa umiiral na number coding scheme.

Kabilang sa mga lansangan na saklaw ng tatlong araw na ‘dry-run’ ng naturang polisiya ay ang kahabaan ng EDSA, C-5 Road, Roxas Blvd., at Alabang-Zapote Road.

Sakop din ng panukala ang mga lansangan sa mga lungsod ng Mandaluyong, Makati at Las Piñas.

Sa mga masisitang motorista na lalabag sa ‘no window policy’ sa susunod na tatlong araw, paalalahanan lamang muna ang mga ito at hindi iisyuhan ng tiket.

Gayunman, matapos ang ‘dry-run’, tuluyang ipapatupad ang polisiya sa October 17 at tatagal hanggang January 31, 2017.

Ayon kay MMDA Chairman Tim Orbos, nagpasya ang Inter-Agency  Council for Traffic (I-ACT) na ipatupad ng mas maaga ang polisiya upang mapabilis ang pagreoslba sa matinding problema ng traffic gayong papalapit na ang holiday season.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.