‘Death penalty, walang lugar sa 21st century’ – Ban Ki-moon
Tahasang inihayag ni United Nations Secretary General Ban Ki-moon ang kanyang pagkontra sa death penalty na isang uri ng parusa para sa terrorism-related crimes sa animnapu’t limang bansa.
Kasabay nito, hinimok ni Ban ang lahat ng bansa na ipagpatuloy ang pagsulong sa abolisyon ng naturang parusa.
Sa isang pahayag, sinabi ni Ban na walang lugar ang death penalty sa 21st century.
Upang maging lehitimo at epektibo ang isang counter-terror operations, sinabi ni Ban na nararapat na kalakip nito ang pagkakaroon ng respeto sa karapatang pantao at sa rule of law.
Iginiit ni Ban na ang pagpapatupad ng death penalty ay isang paglabag sa karapatang pantao.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.