2 patay sa Caloocan at Pasay matapos tambangan ng riding in tandem
Dead on the spot ang biktimang si Romeo Joel Torres, 37 anyos, matapos pagbabarilin sa may bahagi ng St. Marry Street, Brgy. 186, Zone 19, Maricaban Pasay City.
Ayon sa inisyal na ulat ni PO3 Catalino Gazmin, nakatambay lang sa lugar si Torres nang biglang dumating ang dalawang suspek lulan ng isang motorsiklo at agad siyang pinagbabaril sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan.
Mabilis na tumakas ang mga hindi nakilalang suspek habang iniwang nakahandusay at wala ng buhay si Torres.
Sumuko na umano sa Oplan Tokhang si Torres subalit patuloy pa rin daw ito sa iligal na gawain.
Nakuha sa crime scene ang limang basyo ng bala mula sa kalibre 45 na baril.
Samantala, agad na binawian naman ng buhay si Jack Mendoza, 37 anyos, barker at naninirahan sa Tondo Maynila, matapos din pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang mga suspek sa 10th Avenue malapit sa kanto ng Rizal Avenue Extension sa Brgy. 91, Caloocan City.
Ayon sa kinakasama nitong si Rosalie Rolioda, bibili lamang ng kanin ang kanyang asawa nang pagbabarilin ito ng mga hindi nakilalang suspek.
Base sa ulat ng pulisya, tatlong riding in tandem ang nakita sa lugar bago naganap ang pamamaril.
Kilala daw sa kanilang barangay si Mendoza na tulak ng bawal na gamot.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.