Mistulang trinatong biro ni Sen. Leila De Lima ang lookout order sa kanya ng Bureau of Immigration (BI) dahil tinawanan lang niya ito.
Katuwiran ni De Lima wala pa namang kaso na naisasampa laban sa kanya base sa mga alegasyon ng ilang testigo sa isinasagawang pagdinig sa Kamara ukol sa umano’y illegal drugs trade sa loob ng New Bilibid Prsion (NBP).
Giit nito hindi rin naman maaring gawin pang basehan ang mga testimoniya para magpalabas ng lookout bulletin para sa kanya ang (BI), na nasa ilalim ng Department of Justice (DOJ).
Tiniyak rin ni De Lima na wala siyang balak umalis ng bansa, at sakali aniyang lumabas siya ng Pilipinas, ito ay official trip na may kaugnayan sa kanyang trabaho bilang mambabatas.
Sinabi pa ng senadora sakali din may maisampang kaso laban sa kanya, handa siyang harapin ito dahil inosente siya, at tanging ang mga guilty lamang aniya ang tumatakas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.