Hearing ukol sa droga sa Bilibid, tinapos na

By Isa Avendaño-Umali October 10, 2016 - 11:32 PM

 

CONGRESSMakaraan ang halos 14 na oras, natapos na ang ika-apat na araw ng pagdinig ng House committee on justice sa isyu ng kalakalan ng iligal na droga sa New Bilibid Prisons.

Tuluyan na ring isinara ng Kamara ang imbestigasyon nito sa nasabing usapin, maliban na lamang daw kung mahuhuli si Ronnie Dayan na naunang pinatawan ng contempt at ipinaaresto.

Sa huling pagtatanong ng mga kongresista, naungkat ang tungkol sa sinasabing pagbisita ng dating sexy star na si Rosana Roces sa testigong inmate na si Vicente Sy.

Itinanggi naman ni Sy na may espesyal na relasyon sila ni Roces dahil kaibigan niya lamang daw ito.

Pero kinumpirma nito na nagdadala ng mga babae si Osang para sa sinumang gustong kumuha sa Bilibid.

Nang matanong kung sino sa palagay nito ang malakas sa loob, sinabi ni Sy na parehong malakas sina Jaybee Sebastian at Herbert Colanggo pero mas malakas si Jaybee dahil kaibigan nito si De Lima.

Sa buong 4 na hearings, 22 lahat ang humarap na testigo kung saan 14 dito ay inmates.

Yung ibang resource persons na hindi na natanong, pinagsusumite na lamang ng inputs o recommendations.

Target ng komite na matapos ang kanilang report ngayong linggo para maisumite sa plenaryo.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.