Ronnie Dayan ipinaaaresto na ng Kamara

By Isa Avendaño-Umali October 10, 2016 - 06:20 PM

Ronnie dayanPinaaresto na ng Kamara ang dating driver/bodyguard ni dating Justice Secretary at ngayo’y Senadora Leila de Lima na si Ronnie Dayan.

Ito ay matapos na magmosyon si House Majority leader Rodolfo Farinas na i-cite in contempt si Dayan dahil sa kabiguan nitong sumipot sa pagdinig ng House Committee on Justice kaugnay sa paglaganap ng droga sa New Bilibid Prisons (NBP).

Sa pamamgitan ng botohan, labing-dalawa sa mga miyembro ng komite ay pumabor sa mosyon ni Farinas na i-cite in contempt si Dayan.

Paliwanag ni Farinas, hindi sumisipot si Dayan sa pagdinig ng walang kaukulang dahilan sa kabila ng ipinadalang subpoena at kautusan ni Speaker Pantaleon Alvarez.

Dahil dito kaya maaari nang dakpin at arestuhin ang dating bodyguard at umano’y dating boyfriend ni De Lima at humarap sa pagdinig upang magsalaysay ng nalalaman nito kaugnay sa umanoy paglaganap ng droga sa Bilibid.

Samantala, nilinaw naman ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre na nilagay na nila sa look out bulletin si Dayan kaya hindi siya maaaring makalabas ng bansa ng walang abiso mula sa Bureau of Immigration.

Matatandaan na binigyan ng 24 oras ng Komite si Dayan noong nakaraang linggo para magpaliwanag upang hindi ito ma-cite in contempt subalit wala pa rin siyang tugon kaya ipinaaresto na ito ng komite.

TAGS: aguirre, BI, contempt, farinas, ronnie dayan, aguirre, BI, contempt, farinas, ronnie dayan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.