8 patay sa pagbagsak ng army helicopter sa Afghanistan
Walong sundalo ng Afghanistan ang nasawi matapos bumagsak ang isang army helicopter sa probinsya ng Baghlan.
Ayon kay Afghan Defense Ministry spokesman Dawlat Waziri, limang crew members at tatlong sundalo ang napatay sa insidente.
Naganap ang helicopter crash sa Dand Ghori district habang nagbibigay ito ng supply sa isang military base.
Dagdag pa ni Waziri, problemang teknikal ang naging sanhi ng pagbagsak ng naturang helicopter.
Gayunman, ipinahayag naman ng tagapagsalita ng Afghan Taliban na si Zabihullah Mujahid na sila ang nasa likod ng pagpapabagsak ng helicopter, dahil pinagbabaril umano ito ng kanilang mga tauhan.
Mas umiigting ngayon ang mga pag-atake ng Taliban laban sa mga pwersa ng Afghanistan sa hilagang Baghlan at sa kalapit nitong probinsyang Kunduz.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.