Barangay officials na sangkot sa droga, isinama na sa high value target ng PDEA
Itinuturing na ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang mga barangay officials na sangkot sa droga bilang high value target.
Sa harap ito ng pagdami nang mga opisyal ng barangay na nasasangkot sa drug trade.
Base sa record ng pdea noong 2015, 65 na barangay officials ang naaresto sa ibat ibang drug related offenses.
Sa nasabing bilang, anim ay mga barangay chairmen habang 59 ay mga kagawad.
Mas mataas ito ng 18.88 percent sa datos nila noong 2014 kung kelan 10 barangay chairman at 45 mga kagawad ang naaresto dahil sa paglabag sa anti-illegal drug law.
Nakaka -alarma na ang pagdami ng mga barangay officials na sangkot sa droga at nakakahiya na ang mga halal na opisyal ng komunidad ang siya pang nagtutulak ng iligal na droga.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.