Dalawang ASG members, arestado sa Zamboanga City
Arestado ang dalawang miyembro ng Abu Sayyaf Group, kabilang ang isa na may kinakaharap na kaso kaugnay ng pagdukot sa mga dayuhang turista sa Sipadan Island ng Malaysia labing-anim na taon na ang nakalipas.
Ayon sa pulisya sa Zamboanga City, naaresto si Abdul Talanghati, 64, at may patong sa ulo na P5.3 millon kaugnay ng 2000 kidnapping.
Nahuli rin dahil sa illegal possession of explosives ang kasama nito na si Albashrie Talanghati.
Bago ang pag-aresto, sinabi ng mga pulis na nakatanggap sila ng impormasyon na ilang bandido ang planong atakehin ang syudad.
Bago rin mahuli ang dalawang ASG members, may impormasyon ang police operating unit na plano ng dalawa na maghasik ng karahasan sa Zamboanga City.
Narekober sa dalawang bandido ang mga pampasabog, detonating cord at time fuse.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.