WATCH: Mga personalidad, dumalo sa New Inquirer launching event
Sa kabila ng malakas na buhos ng ulan, nakarating ang ilang personalidad sa New Inquirer launching event kagabi sa Green Sun Hotel sa Makati City.
Dumalo ang mga kaibigan at kasamahan sa industriya upang magpakita ng suporta sa Inquirer Group of Companies.
Ipinakilala din ang mga brand ambassador ng My Inquirer na kinabibilangan ng classical singer na si Lara Maigue, Director Brillante Mendoza, tinaguriang Cebu’s Chocolate Queen Rachel Ochoa, at Gawad Kalinga founder Tony Meloto.
Sina Azkals players Phil at James Younghusband na pawang brand ambassadors din ng Inquirer ay hindi nakadalo sa event dahil sa football game sa Rizal memorial Sports Complez, pero nakapanayam sila sa pamamagitan ng video call.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.