Brgy. Chairman, 6 na iba, patay sa one-time big-time operation sa Maynila; mahigit 200 na ang inaresto

By Rohanisa Abbas October 07, 2016 - 11:47 AM

Kuha ni Rohanisa Abbas
Kuha ni Rohanisa Abbas

Pito na ang patay at mahigit 200 ang naaresto sa isinagawang one-time big-time police operations sa mga lansangan sa Quiapo Maynila.

Kuha ni Rohanisa Abbas
Kuha ni Rohanisa Abbas

Kabilang sa nasawi ang isang kapitan ng barangay sa Barangay 648. Zone 67 na si Faiz Macabato.

Sa ngayon umabot na sa mahigit 200 na itinuturing na pawang persons of interest ang dinampot ng pulisya sa isinagawang operasyon sa loob ng Islamic Center Compound at sa iba pang mga lansangan sa Quiapo Maynila.

Kabilang sa naaresto ang isang miyembro ng Bangsamoro Islamic Armed Forces (BIAF) na si Sambetory Macaraas Sarip, 33-anyos.

Nakuha mula kay Sarip ang kaniyang ID, uniporme niya sa BIAF, at dalawang vault.

Nagtungo din sa lugar si Manila Mayor Joseph Estrada para personal na tignan ang isinagawang operasyon.

Sa dami ng mga naaresto, isinakay sila sa mga pampasaherong jeep para madala sa presinto.

 

 

TAGS: one-time big-time operation in Quiapo Manila, one-time big-time operation in Quiapo Manila

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.