Heavy rainfall warning nakataas pa rin sa mga lalawigan sa Central Luzon

By Dona Dominguez-Cargullo October 07, 2016 - 11:06 AM

Yellow Rainfall WarningNakararanas pa rin ng malakas na buhos ng ulan ang ilang lalawigan sa Central Luzon dahil sa Habagat.

Sa abiso ng PAGASA, alas 11:00 ngayong umaga, yellow rainfall warning ang umiiral sa mga lalawigan ng Zambales, Bataan at Tarlac.

Maaring makaranas ng pagbaha sa mga mabababang lugar sa tatlong nabanggit na lalawigan.

Samantala mahina hanggang katamtamang pag-ulan naman ang naka-aapekto sa Nueva Ecija, Pampanga, Batangas at ilang bahagi ng Bulacan at Cavite.

Sa susunod na mga oras naman, maaapektuhan na rin ng pag-ulan ang Metro Manila, Laguna at Rizal.

Pinayuhan ng PAGASA ang publiko na mag-antabay sa susunod nilang abiso mamayang alas 2:00 ng hapon.

 

TAGS: yellow rainfall warning, yellow rainfall warning

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.