Bagyong Julian nasa labas ng bansa, pero Luzon at Visayas uulanin dahil sa Habagat

By Dona Dominguez-Cargullo October 07, 2016 - 06:37 AM

Nakalabas na ng bansa kahapon ng tanghali ang bagyong Julian at Habagat na lamang ang umiiral sa western section ng Luzon at Visayas.

Ayon sa PAGASA, huling namataan ang bagyong Julian na may international name na “Aere” sa 375 kilometers West ng Basco, Batanes.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 65 kilometers kada oras at pagbugsong aabot sa 100 kilometers kada oras.

Ayon sa PAGASA, ngayong araw, light hanggang moderate rains at thunderstorms ang iiral sa Metro Manila at sa mga rehiyon ng Ilocos, Cordillera, MIMAROPA, Bicol, Western Visayas at sa mga lalawigan ng Zambales, Bataan, Cavite, Batangas at Quezon.

Habang bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin naman na may isolated rainshowers o thunderstorms ang iiral sa nalalabing bahagi ng bansa.

 

TAGS: weather update, weather update

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.