Suspensyon kay Maria Sharapova, pinaigsi

By Kabie Aenlle October 05, 2016 - 04:21 AM

 

sharapova2Nagdesisyon ang pinakamataas na korte sa larangan ng sports na bawasan ang doping ban kay Maria Sharapova at gawin na lamang 15 buwan, sa halip na dalawang taon tulad ng unang ipinataw sa kaniya.

Dahil sa desisyong ito ng Court of Arbitration for Sports, agad na makakabalik ang Russian tennis star sa April na tamang-tama para sa pagsali niya sa French Open.

Matatandaang nag-positibo sa meldonium sa Australian Open ang five-time Grand Slam champion at dating No. 1 player noong Enero, kaya siya pinatawan ng dalawang taong ban mula sa International Tennis Federation.

Umapela si Sharapova sa CAS noong Hunyo, at nagdesisyon ang arbitration panel na nakitaan siya ng “some degree of fault” sa pagpositibo niya sa nasabing gamot na ipinagbabawal sa kanilang manlalaro, kaya naman sapat na anila ang 15 buwan ng sanction.

Nagsimula ang ban kay Sharapova noong January 26.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.