China, makikinabang ng todo sa ‘independent foreign policy’ ng Duterte administration

By Jay Dones October 05, 2016 - 04:28 AM

 

Inquirer file photo

Hindi dapat maliitin ang tinatahak na ‘independent foreign policy’ ng Duterte administration dahil malaki ang posibilidad na mabawasan nito nang todo-todo ang impluwensya ng Amerika sa Asya.

Ito ang pananaw ng BMI research na research arm ng Fitch group.

Sa kanilang ulat, malaki ang posibilidad na mapaliit ng foreign policy shift ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ‘clout’ ng Amerika  sa Asya sa panahong mataas ang tensyon sa pagitan ng China at mga kapit-bansa nito.

At sa hakbang na ito ng Pilipinas, ang China ang siyang tiyakang makikinabang.

Nabanggit din sa ulat na malaki ang ‘geopolitical importance’ ng Pilipinas sa ibang bansa dahil sa lokasyon nito.

Ang Pilipinas at tinukoy ng China bilang bahagi ng tinaguriang ‘first island chain’ mula sa southern Japan hanggang Taiwan.

Ang ‘first island chain’ strategy ay binuo ng Amerika upang pigilin ang pamamayagpag ng China at ng dating USSR noong panahon ng ‘Cold War’.

Kaya’t paniniwala ng China, kung bibitiw ang Pilipinas sa pakikipagalyansa sa Amerika, magsisilbi itong malaking dagok sa ‘first island chain strategy’ ng Amerika.

Dahil anila dito, mas paiigtingin na lamang ngayon ng US at kaalyado nitong Japan na kunin ang suporta ng Vietnam bilang regional security partner sa South China Sea.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.