Motorista na sumagasa at bumaril sa isang traffic enforcer sa QC, naaresto sa Cagayan

By Dona Dominguez-Cargullo October 04, 2016 - 08:24 AM

arrestedNadakip na ng pinagsanib na puwersa ng Quezon City Police District (QCPD) at ng Aparri, Cagayan Police ang suspek sa pagpatay sa traffic enforcer sa Cubao, Quezon City noong Biyernes.

Kinumpirma ni QCPD Director Guillermo Eleazar na napasakamay na nila ang suspek na si Geronimo Iquin, isang mekaniko.

Simula noong October 1 ay nagsagawa na ng hot pursuit operations ang mga tauhan ng QCPD laban kay Iquin kung saan kabilang sa mga pinuntahan ang San Miguel Bulacan hanggang Nueva Ecija at mula Nueva Vizcaya ay nakarating sa Isabela ang mga pulis.

Hanggang sa kagabi ay natunton ang suspek sa Dream Land Hotel sa Aparri.

Binaril at sinagasaan pa ng suspek ang traffic enforcer na si Ernesto Paras nang baklasin ng biktima ang plaka ng sasakyan ng suspek dahil sa maling pagparada ng sasakyan sa bahagi ng Ermin Garcia sa Cubao.

Ang ginawa ng suspek ay kitang-kita sa CCTV footage sa lugar.
Ayon kay Eleazar,nakuha nila ang profile ng suspek sa tunay na may-ari ng Honda Civic na nagpagawa kay Iquin.

Una umanong nagtago ang suspek sa Nueva Ecija.

Nabatid na pumunta ng Norte ang suspek dahil mayroon itong mga kamag-anak doon na naging hudyat para siya ay mahuli.

 

 

TAGS: Suspek in killing of QC traffic enforcer arrested in Cagayan, Suspek in killing of QC traffic enforcer arrested in Cagayan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.