Peace deal sa mga komunista, tinanggihan ng mga botante sa Colombia
Pagod na sa ang mga Colombians sa civil war sa kanilang bansa na tumagal na ng 52 taon, pero tumanggi pa rin ang mga botante na isulong ang peace deal sa mga komunista.
Nahati ang mga Colombians sa referendum na isinagawa sa pag-asang maisakatuparan ang makasaysayang peace deal sa mga komunistang Revolutionary Armed Forces of Colombia (FARC) rebels, pero mas nanaig ang mga bumoto ng ‘No.’
Dahil dito, tila sinubok ng mga mamamayan ang apela ng kanilang pamahalaan na maratipikahan na ang plano na ihinto na ang madugong labanan sa kanilang bansa na tumagal na ng mahigit limang dekada.
Base sa inilabas na resulta ng Colombian electoral authorities, 99.6 percent na botong nabilang, 50.2 percent sa mga bumoto ang tumanggi habang 49.8 percent naman ang pumayag.
Dahil sa resultang ito, bumagsak sa pagkatalo si Colombian President Juan Manuel Santos sa kasunduang pinirmahan niya noon lamang September 26 kasama ang FARC.
Paliwanag ng mga tumanggi sa peace deal, ang nasabing kasunduan ay parang nagbibigay ng karangalan sa mga rebelde na itinuturing nilang terorista dahil sa kaguluhang idinulot nito sa kanilang bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.