Pangulong Duterte, nakatakdang makipag-usap kay Misuari

By Kabie Aenlle October 04, 2016 - 05:10 AM

misuari-duterteNakatakdang lumabas sa kaniyang kampo si Moro National Liberation Front (MNLF) founding chairman Nur Misuari upang isulong na ang usaping pang-kapayapaan kasama si Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa kaniyang pagdalo sa Masskara Festival sa Bacolod City, sinabi ni Pangulong Duterte na bibigyan niya ng conduct pass si Misuari para makatungo siya sa Davao City kung saan sila mag-uusap.

Magugunitang sa simula pa lang ng kaniyang panunungkulan, nagpahayag na ang pangulo ng pagnanais na makipag-pulong kay Misuari ngunit hindi pa rin ito natutuloy dahil nagtatago pa rin ito.

Inatasan na rin ng pangulo ang pulisya na huwag munang ipatupad ang arrest warrant laban kay Misuari dahil sa pagkakasangkot nito sa Zamboanga siege noong 2013.

Paliwanag ng pangulo, iniiwasan lang niya na mapatay si Misuari sa kamay ng gobyerno, dahil aniya ito lamang ang pinunong may “influence and structure” na kailangan sa usaping pangkapayapaan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.