Hindi bababa sa 50 patay, sa anti-govt protest sa Ethiopia na nauwi sa stampede
Patay ang aabot sa 52 katao at marami pa ang nasugatan nang mauwi sa stampede ang sumiklab ang protesta laban sa pamahalaan sa kasagsagan ng isang religious festival.
Ginamitan ng tear gas, rubber bullets at baton ng mga otoridad ang mga nagprotesta sa Oromia region dahilan para maalarma ang mga dumadalo sa pagtitipon.
Itinanggi naman ni Prime Minister Hailemariam Desalegn na nagpaputok ng baril ang mga pulis na ikinasawi ng mga marami.
Libu-libo ang nagtitipun-tipon para sa isang religious festival sa Bishoftu nang maganap ang insidente.
Rumesponde umano ang mga pulis matapos na magsimulang maghagis ng bato at bote ang anti-government protesters.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.