Pres. Duterte, nagbantang ipapatigil ang EDCA

By Jay Dones October 03, 2016 - 03:28 AM

 

Mula sa RTVM

Wala umanong lagda ni dating Pangulong Benigno Aquino III ang Enhanced Defense Cooperation Agreement o EDCA.

Ito ang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte kasabay ng banta na handa siyang ipahinto ang naturang kasunduan sakaling mapatunayan niya ito.

Sa kanyang talumpati sa Masskara festival sa Bacolod City kahapon, sinabi ni Pangulong Duterte na tanging isang US aide lamang at si dating Defense Secretary Voltaire Gazmin ang nakapirma sa naturang kasunduan.

Nakahanda rin siya aniyang maglabas ng panibagong polisiya na kanilang susundan sa usapin ng ugnayan ng Pilipinas sa Estados Unidos sa mga susunod na araw.

Paliwanag pa ng Pangulo, kung sakaling hindi maipakita ng Amerika ang pirmadong mga dokumento ukol sa pagsasagawa ng war games sa bansa, ay handa siyang ipahinto ito ng tuluyan.

Muli ring inulit ni Duterte ang kanyang hangarin na palakasin ang ugnayan sa China at Russia.

Nakausap na niya aniya si Russian Prime Minister Dmitri Medvedev kaugnay dito nang mag-usap sila sa Laos sa kasagsagan ng ASEAN Summit.

Ipinagmalaki rin ni Pangulong Duterte na handa ang bansa sakaling itigl na ng Amerika ang pagtulong sa Pilipinas.

“Hindi kami magugutom”, giit ni Pangulong Duterte.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.