Bagyong Igme, lalo pang lumakas habang nasa loob ng PAR

By Mariel Cruz October 02, 2016 - 02:26 PM

IGME 12PMLalo pang lumakas ang Tropical cyclone Igme na ngayon ay ganap nang bagyo habang nasa loob ng Philippine Area of Responsibility.

Sa latest weather bulletin ng PAGASA, namataan ang bagyo sa layong 1,005 kilometers east ng Calayan, Cagayan.

Taglay nito ang pinaka malakas na hangin na aabot sa 150 kilometers per hour at pagbugso na aabot naman sa 185 kph.

Patuloy na tatahakin ng bagyong Igme ang direksyong northwest sa bilis na 25 kph.

Ngunit sa kabila nito, sinabi ng PAGASA na hindi magla-landfall ang bagyo sa anumang bahagi ng bansa.

Inaasahan naman na lalabas na ng PAR ang bagyo sa Martes ng umaga.

Una nang nag-abiso ang PAGASA na patuloy na makararanas ng mga pag-ulan ngayong weekend sa ilang bahagi ng Western Visayas, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, Caraga at Metro Manila dahil sa habagat na hinihila ng bagyong Igme.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.