Bagyong Igme, lumakas; mga pag-ulan patuloy na mararanasan ngayong weekend

By Mariel Cruz October 02, 2016 - 07:50 AM

IGME 5AM
Photo from PAGASA

Lumakas ang bagyong Igme matapos tuluyang makapasok sa loob ng Philippine Area of Responsibility.

Sa latest weather bulleting ng PAGASA, namataan ang bagyo sa layong 1,130 kilometers East ng Calayan, Cagayan.

Taglay nito ang pinakamalakas na hangin na aabot sa 130 kilometers per hour at pagbugso na aabot naman sa 160 kph.

Inaasahang tatahakin ng bagyo ang direksyong northwest sa bilis na 25 kph.

Dahil dito, makararanas ng maulap na kalangitan na may mahina hanggang sa katamtamang mga pag-ulan at pulu-pulong pagkidlat-pagkulog ang Western Visayas, Zamboanga Peninsula, hilagang bahagi ng Mindanao at Caraga.

Una nang nag-abiso ang PAGASA na magkakaroon ng mga pag-ulan ngayong weekend dahil sa epekto ng Hanging Habagat na palalakasin ng bagyong Igme.

Inaasahang nasa labas ng ng PAR ang bagyong Igme bukas, araw ng Lunes.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.