Pitong Indonesian na binihag ng Abu Sayyaf, hindi na pinagsumite ng requirements ng BI

By Dona Dominguez-Cargullo September 30, 2016 - 04:30 PM

Kuha ni Erwin Aguilon
Kuha ni Erwin Aguilon

Pinayagan ng Bureau of Immigration (BI) na mai- waive ang requirements para sa pitong Indonesian sailors na dinukot at pinalaya kamakailan ng bandidong grupong Abu Sayyaf.

Ayon kay BI chief Jaime Morente, “for humanitarian reasons” hindi na aatasan ang mga dayuhan na tumugon sa requirements ng ahensya.

Sa pag-waive ng requirements, maari nang makalabas ng bansa ang mga Indonesian nang hindi nagbabayad ng immigration fees o multa.

Hindi na rin nila kailangang kumuha ng clearances.

Ang pitong dayuhan ay nasa kostodiya ngayon ng Indonesian Embassy.

Una nang hiniling ng Indonesian Embassy sa pamahalaan ng Pilipinas na mai-waive ang immigration requirements sa mga dayuhan para agad silang maibalik sa kanilang bansa.

Ang pito ay dinukot ng Abu Sayyaf habang sakay ng bangka sa Sulu malapit sa Sabah, Malaysia noong June 20.

 

 

TAGS: BI waives requirements for Indonesian hostage victims, BI waives requirements for Indonesian hostage victims

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.