Heavy rainfall warning, itinaas ng PAGASA sa Zambales, Bataan at Pampanga

By Dona Dominguez-Cargullo September 30, 2016 - 11:24 AM

Yellow Rainfall Warning

(UPDATE) Itinaas ng PAGASA ang heavy rainfall warning sa mga lalawigan ng Zambales, Bataan at Pampanga dahil sa nararanasang malakas na pag-ulan na epekto ng umiiral na Southwest Monsoon o Habagat.

Sa abiso ng PAGASA, alas 2:00 ng hapon itinaas ang yellow warning level sa tatlong lalawigan at inabisuhan ang mga residente na maging maingat sa posibleng pagbaha.

Samantala, thunderstorm naman ang nakaaapekto at mga lalawigan ng Cavite at Laguna sa susunod na dalawa hanggang sa tatlong oras.

Habang sa susunod pang mga oras, maaapektuhan na rin ng thunderstorm ang Batangas at Quezon.

Light to moderate na may occasional heavy rains naman ang nakaaapekto sa MetroManila at Bulacan gayundin sa Rizal at Tarlac.

Nakatakdang magpalabas ng susunod na abiso ang PAGASA mamayang alas 5:00 ng hapon.

 

 

TAGS: yellow rainfall warning raised in Zambales and Bataan, yellow rainfall warning raised in Zambales and Bataan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.