Official visit ni Pangulong Duterte sa Vietnam, matagumpay

By Kabie Aenlle September 30, 2016 - 04:41 AM

 

Vietnam-PhilippinesSa kaniyang pagbisita sa Vietnam, nakaharap niya ang mga Pilipinong naroon, pati na rin ang mga matataas na opisyal ng kanilang pamahalaan.

Sa pagbalik ng pangulo sa Davao City mula sa kaniyang official visit, nagbigay siya ng talumpati sa harap ng media kaugnay sa mga naganap sa nasabing pag-bisita.

Ayon sa pangulo, isang malaking karangalan ang maramdaman ang mainit na pagtanggap sa kaniya ng mga “hardworking kababayans” o overseas Filipino workers na naroon sa Vietnam.

Ani pa Duterte, ang kaniyang pagpunta sa Hanoi ay naging isang malaking hakbang sa pagpapatibay ng ugnayan ng Pilipinas sa Vietnam.

Nabanggit ng pangulo na nakausap niya sina Vietnamese President Tran Dai Quang at Prime Minister Nguyen Xuan Phuc, ngunit tumanggi naman siyang magbigay ng detalye tungkol dito dahil hindi aniya ito “for public use.”

Natapos ang panayam ni Duterte sa media alas-3:00 ng madaling araw.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.