HPG na nagmura at nanakit sa babaeng motorista sa EDSA, kinasuhan na
Sinampahan na ng patung-patong na kaso ang isang tauhan ng Philippine National Police – Highway Patrol Group (PNP-HPG) matapos umanong sampalin at murahin ang isang babaeng motorista.
Pinara ni Senior Insp. Rufino Noog ang biktima na nagpakilala lang bilang “Charice,” at inakusahan ang biktima ng tangkang pag-sagasa sa kaniya dahil hindi umano ito agad tumigil.
Mayroong dashboard camera ang biktima na nakunan ang unang bahagi ng insidente kung saan kumakaway si Noog na kalaunan ay bahagyang napa-sandal sa unahang bahagi ng sasakyan ng biktima.
Gayunman, hindi naman nakuhanan ng video ang nangyaring pagmumura at pananampal ni Noog sa biktima pero maririnig naman ang usapan ng dalawa.
Narinig sa audio ang paninita at pambibintang ni Noog sa biktima, at ang pag-aray ni Charice kasunod ng pagsabi na hindi naman siya dapat sampalin dahil pume-preno naman siya.
Dahil dito, nais ng biktima na maalis sa pwesto si Noog upang hindi na maulit sa ibang motorista ang ganitong karanasan.
Sa ngayon ay iniimbestigahan na ng National Bureau of Investigation (NBI) si Noog, at maglalabas rin sila ng subpoena para dito sa Lunes.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.