“Ipinagdadasal ko siya. May she rest in peace with our Lord.”
Yan ang tugon ni dating Senate President Juan Ponce Enrile kaugnay sa pagkamatay ng kanyang nakasama sa Senado na si dating Sen. Mirriam Defensor-Santiago.
Sinabi ng 92-anyos na si Enrile na matagal na niyang kinalimutan kung anuman ang mga hindi nila pagkakaunawaan noong araw ni Santiago.
Kahit daw ang ibang mga taong nakasamaan niya ng loob ay pinatawad na niya.
Binanggit din ni Enrile na isang articulate at expressive na mambabatas si Santiago at mahusay sa mga isyung pambansa.
Magugunitang ilang beses na nagtalo sa plenaryo sina Enrile at Santiago mula sa usapin ng ilang panukalang batas hanggang sa isyu ng pork barrel scam.
Hindi naman matiyak ni Enrile kung makakapunta siya sa lamay para sa mga labi ni Santiago dahil nagpapahinga siya ngayon sa lalawigan ng Cagayan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.