Maia Deguito, pinatutulong ng FBI sa kaso ng Bangladesh Bank heist
Nakikipag-negosasyon na ang Federal Bureau of Investigation (FBI) sa dating branch manager ng Rizal Commercial Banking Corp. (RCBC) na si Maia Deguito kaugnay sa $81 million na dumaan sa kaniya matapos manakaw mula sa account ng Bangladesh Central Bank sa New York Federal Reserve.
Ayon sa abogado ni Deguito na si Atty. Ferdinand Topacio, nag-alok na ang FBI sa kaniyang kliyente ng “proffer” o proposal para ibahagi nito ang lahat ng kaniyang nalalaman tungkol sa kung sinu-sino ang mga nakatanggap ng pera.
Aniya pa, sinusubukan ng mga imbestigador mula sa Amerika na pumiga ng impormasyon mula kay Deguito tungkol sa casino junket operator na si Kim Wong na matagal nang naging kliyente ng dating branch manager.
Sa ilalim ng proposed agreement ng FBI, anumang ebidensyang ibibigay ni Deguito ay hindi gagamitin laban sa kaniya pero may pananagutan siya oras na siya ay magsinungaling o magtago ng anumang mahalagang impormasyon.
Sa ngayon, tumanggi munang magkomento ang sinuman mula sa FBI at US Department of Justice kaugnay sa isyu.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.