29 estudyante, naospital dahil sa libreng kape

By Kabie Aenlle September 29, 2016 - 04:08 AM

 

Mula sa Cebu Daily News

Ayon kay Cebu City Disaster Risk Reduction and Management Office (CCDRRMO) chief Nagiel Bañacia, nasa 29 na estudyante ang dinala sa Cebu City Medical Center (CCMC) as of 5 p.m. kahapon.

Ani pa Bañacia, nasa mabuti namang kalagayan ang mga estudyante at maaring makauwi agad.

Tatanungin aniya nila ang manufacturer at distributor ng Kopiko 78 degrees na kape upang pagpaliwanagin kaugnay sa hinihinalang poisoning na naranasan ng mga estudyante matapos inumin ang kanilang free samples.

Ipinamigay kasi Miyerkules ng umaga ang mga samples ng Kopiko 78 degrees sa mga guro at mag-aaral ng nasabing paaralan.

Pagdating ng alas-onse ng tanghali, ilang mga estudyante na uminom ng nasabing kape ang nakaranas na ng pananakit ng tiyan at pagsusuka.

Sa una, hinarap muna ng school nurse ang mga apektadong estudyante ngunit nang dumami na sila, humingi na ng tulong ang paaralan sa Cebu City Command Control Center.

Ayon naman kay school administrator Joseph Ty, hindi dapat bibigyan ng samples ang mga estudyanteng 18 taong gulang pababa, ngunit dahil marami ang makukulit, nagawa pa rin ng mga ito na makalusot.

Wala namang ni isa sa mga guro na uminom ng kape ang nakaramdam ng anumang pananakit sa katawan.

Bilang bahagi naman ng pagsisiyasat, hiningan nina Bañacia ng incident report ang paaralan, at nagbigay na rin sila ng samples ng kape sa Department of Science and Technology upang maisailalim ito sa laboratory tests.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.