WATCH: 2 bahay sa Marikina, nawasak dahil sa gumuhong rip-rap

By Ricky Brozas September 28, 2016 - 11:21 AM

Kuha ni Ricky Brozas
Kuha ni Ricky Brozas

Bumagsak ang dalawang bahay sa Barangay Nangka, Marikina City matapos na gumuho ang bahagi ng rip-rap sa gilid ng ilog na nagdudugtong sa Marikina at San Mateo, Rizal.

Lumambot kasi ang lupa sa bahagi ng Brgy. Nangka dahil sa magdamag na pag-ulan na naranasan.

Maliban sa dalawang bahay na napasama sa pagguho ay nanganganib din na bumagsak ang iba pang mga bahay sa gilid ng ilog.

Wala namang nasaktan na residente sa naganap na pagguho.

Sa panayam naman ng Radyo Inquirer, sinabi ni Marikina City Mayor Marcelino Teodoro na sa nakalipas na dalawang linggo, tatlong rip-rap na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang gumuguho sa Marikina.

Kabilang dito ang dalawang rip-rap sa Barangay Nangka at isa sa Marikina Heights.

Hinala ni Teodoro, mahina ang pagkakagawa sa nasabing mga rip-rap.

 

 

 

 

TAGS: rip-rap in Marikina City collapsed, rip-rap in Marikina City collapsed

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.