3 miyembro ng pamilya, minasaker sa Davao

By Kabie Aenlle September 28, 2016 - 04:35 AM

 

crime-scene-e1400865926320Patay sa pananaga at mga tama ng bala ang mag-asawa at ang 12-anyos nilang anak sa Toril, Davao City kahapon ng madaling araw.

Kinilala ng mga otoridad ang ama na si Percy Edar, ang asawa nitong si Carlita at ang kanilang anak na si John Keizer.

Natukoy naman ng apat na taong gulang na batang babaeng bunso ng pamilya kung sino ang pumatay sa kaniyang pamilya, at itinuro ang kaniyang mga tiyuhin na sina Nilo at Romulo Toleron na pawang mga kapatid ni Carlita.

Nakaligtas ang paslit matapos siyang magtago sa ilalim ng mesa.

Binaril sa mukha si Carlita, habang tinaga sa batok at leeg sina Percy at John habang natutulog.

Nakaligtas pa noong una si Percy at nakahingi ng tulong sa mga kapitbahay pero binawian rin ito ng buhay.

Ayon sa mga otoridad, matagal nang nag-aaway ang magkakapatid dahil sa agawan ng lupa at bago napatay, kinasuhan ni Carlita si Nilo dahil sa pambubugbog sa anak na si John.

Sa ngayon ay nasa ilalim na ng kustodiya ng mga otoridad ang iba pang anak ng mag-asawa, habang isinampa na sa piskalya ang kaso laban kay Nilo na mariing itinanggi ang pagkakasangkot sa krimen.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.