Matobato, nilapitan umano ng isang abogado para huwag nang idawit si Duterte sa DDS exposé
Mayroong isang abogado na lumapit sa confessed hired killer na si Edgar Matobato para umapela sa kaniya na huwag nang idawit ang pangalan ni Pangulong Rodrigo Duterte at ang anak nitong si Vice Mayor Paolo sa mga isisiwalat niyang pagpatay sa Davao City.
Sa isang panayam sa INQ&A kay Sen. Antonio Trillanes IV, ibinunyag niya na dati niyang abogado sa ilalim ng witness protection program (WPP) ng pamahalaan ang lumapit kay Matobato.
Dahil dito, sinabi ni Trillanes na alam na ni Duterte ang mga ilalahad na testimonya ni Matobato dahil mismong ang kampo na nito ang lumapit sa sinasabing miyembro ng Davao Death Squad (DDS) sa pamamagitan ng isang abogado na hindi naman na tinukoy ng senador.
Gayunman, tumanggi aniya si Matobato dahil determinado itong ibunyag si Duterte.
Samantala, mula nang tanggihan niya ang alok ng abogado, pinutol na aniya ni Matobato ang ugnayan sa nasabing abogado.
Matatandaang si Matobato na umamin na isa siyang miyembro ng DDS, ay humarap sa senado para ibunyag ang pagkakasangkot ng mag-amang Duterte sa libu-libong extra-judicial killing sa Davao.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.