Sa kabila ng ‘crossing the Rubicon’ statement ni Pangulong Duterte, DFA itinangging tatalikod na sa Amerika

By Chona Yu, Jay Dones September 28, 2016 - 04:15 AM

 

yasayNilinaw ni Foreign Affairs Secretary Perfecto Yasay Jr. na walang balak ang Pilipinas na tuluyang tatalikuran na ng Pilipinas ang mga commitment nito sa Amerika.

Ayon kay Yasay, dinadramahan lamang ng pangulong Rodrigo Duterte nang ihayag nito na malapit na ang senaryo na ‘crossing the Rubicon’ ang Pilipinas sa Amerika.

Katunayan, sinabi ni Yasay na maaring ang ibig sabihin lamang ng pangulo nang ihayag nito ang ‘crossing the Rubicon’ ay ang pagpapaigting pa ng relasyon ng Amerika at Pilipinas.

Sinabi pa ni Yasay na nais lamang ng pangulo na isulong ang independent foreign policy ng Pilipinas.

Ang ‘idiomatic expression’ na ‘crossing the Rubicon’ ay nagmula sa kasaysayan noong 49 BC kung saan tinawid ng army ni Julius Caesar ang Rubicon river sa northern Italy na naghudyat ng gyera sa pagitan ng Pompeii at Roman empire.

Ibig sabihin ng naturang pahayag ay ang pagdating sa puntong hindi na makakabalik pa sa isang pagkakataon o ‘point of no return’.

 

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.