Suspek sa North Cotabato bombing noong 2014, naaresto

By Dona Dominguez-Cargullo September 27, 2016 - 10:41 AM

north cotabatoNaaresto na ang pangunahing suspek ng pambobomba sa North Cotabato noong Nobyembre ng 2014 na ikinamatay ng isang estudyante at ikinasugat ng 17 katao.

Ayon sa hepe ng pulisya ng Kabacan, North Cotabato na si Senior Inspector Ronnie Cordero, nahuli ang suspek sa tulong ng kapitan ng Barangay Kayaga na si Bong Bacana.

Aniya, hindi nanlaban sa pagkakaaresto ang suspek na nakilalang si Gardo Usop.

Si Usop ay nahaharap sa kasong murder at frustrated murder sa Regional Trial Court Branch 16 ng North Cotabato.

Hinahanap pa ng pulisya ang dalawa pang suspek na kasama ni Usop.

Isang improvised bomb ang iniwan sa hagdan ng highway overpass sa Poblacion, Kabacan noong November 16, 2014 ang sumabog na ikinasawi ng isang estudyante at 17 naman ang nasugatan.

 

 

TAGS: suspect for North Cotabato bombing arrested, suspect for North Cotabato bombing arrested

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.