Kennon Road isang linggong isasara sa trapiko
Isasara sa trapiko ang bahagi ng Kennon Road paakyat at pababa mula sa Baguio City bukas, Setyembre 27 na tatagal hanggang sa Oktubre 3.
Sa advisory na inilabas ng Department of Public Works and Highways – Cordillera Autonomous Region (DPWH-NCR), isasailalim sa major rehabilitation ang isang tulay na matatagpuan malapit sa Camp 5.
Magtatalaga ng mga dagdag na tauhan ang DPWH para gabayan ang mga apektadong motorista.
Kabilang sa mga pwedeng gawing alternatibong daan ang Rosario-Pugo-Baguio Road, Naguilan Road at Marcos Highway.
Sa Oktubre 1 hanggang 2, sinabi naman ng DPWH sa lalawigan ng Pangasinan na isasara nila sa daloy ng trapiko ang Calasiao-Urdaneta Junction kaugnay sa repair ng steel girder sa overpass sa nasabing daan.
Mayroon nang inilagay na mga detour ang mga public works officials sa lugar.
Ang nasabing proyekto ay nagkakahalaga ng P13 Million ayon sa DPWH.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.