Bagyong Helen, napanatili ang lakas; public storm warning signal nakataas sa 3 lugar sa Luzon

By Dona Dominguez-Cargullo September 26, 2016 - 11:44 AM

Typhoon HelenNapanatili ng bagyong Helen ang lakas nito habang kumikilos sa Batanes-Taiwan area.

Sa weather bulletin ng PAGASA, ang Typhoon Helen ay huling namataan sa 530 kilometers East ng Basco, Batanes.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 150 kilometers per hour at pagbugsong aabot sa 185 kilometers per hour.

Kumikilos ang bagyo sa bilis na 20 kilometers per hour sa direksyong West Northwest.

Sa ngayon, nakataas pa rin ang public storm warning signal number 2 sa Batanes Group of Islands.

Binalaan ng PAGASA ang mga residente sa nasabing isla hinggil sa posibleng pagkakaroon ng storme surge sa coastal areas.

Nakataas naman ang signal number 1 naman sa Northern Cagayan, kasama ang Babuyan Group of Islands.

Kung hindi mababago ang kilos bukas ng hapon ay inaasahang nasa Taiwan na ang bagyo.

 

 

 

TAGS: Update on typhoon helen, Update on typhoon helen

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.