3 bagong kaso ng Zika, naitala sa bansa; 22-anyos na buntis, kabilang sa tinamaan ng sakit

By Dona Dominguez-Cargullo September 26, 2016 - 11:16 AM

Zika virusNakapagtala ng tatlong bagong kaso ng Zika virus sa bansa ang Department of Health (DOH).

Ayon kay DOH Sec. Paulyn Ubial, dahil sa tatlong panibagong kaso, umabot na sa labingdalawa ang naitatalang Zika virus cases sa Pilipinas.

Ang tatlong bagong kaso na naitala ay pawang mula sa Iloilo Ciity.

Ani Ubial, walang history ng pagbiyahe sa mga lugar na apektado ng virus ang tatlong tinamaan ng sakit nakalipas na isang buwan bago sila makitaan ng sintomas.

Kabilang sa mga sintomas na ipinakita ng tatlo ay skin rashes, lagnat at pananakit ng kasu-kasuan.

Pawang mild lang naman umano ang tumama sa tatlo na ngayon ay nagpapagaling na at stable naman na ang kondisyon.

Samantala, kinumpirma ni Ubial na ang isang pasyente ng Zika sa Cebu ay 22 anyos na buntis.

Labingsiyam na linggo umanong buntis sa kaniyang unang anak ang nasabing pasyente.

Sa isinagawang ultrasound sa buntis na pasyente, wala namang nakitang fetal abnormalities sa ipinagbuuntis nito, pero ayon sa DOH, inirekomenda nilang i-monitor ito ng regular.

Sa 12 kaso ng Zika na naitala sa bansa, walo ay pawang babae at ang mga edad ng tinamaan ng sakit ay nasa pagitan n g 9 hanggang 55 anyos.

 

 

 

 

TAGS: 3 new cases of Zika virus in PH, 3 new cases of Zika virus in PH

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.