Compound ng Manalo sa Tandang Sora, binisita ng CHR

July 29, 2015 - 08:09 AM

Edited
File Photo

Wala pa ring kuryente sa compound ng pamilya Manalo sa Tandang Sora sa Quezon City.

Isang linggo matapos malantad sa publiko ang umano’y anomalya sa pamunuan ng Iglesia ni Cristo, binisita ng mga kinatawan mula sa Commission on Human Rights (CHR) ang naturang compound.

May mga ulat kasi na sinadyang putulan ng suplay ng kuryente ang compound noong nakaarang linggo matapos matiwalag sa INC sina Ka Angel Manalo at kaniyang iba pang kapatid at ang ina nilang si Ka Tenny Manalo.

Ayon kay dating INC minister Roel Rosal, mayroon ding mga maysakit sa loob ng compound.

Isa sa mga napansin ng imbestigador ng CHR ang pagharang ng mobile ng pulis sa driveway ng compound na tila ba hindi pinapayagan na may makalabas at makapasok na sasakyan sa loob.

Ayon sa CHR, hindi dapat sa mismong driveway nakaparada ang mobile ng pulis kung ang layon lamang naman nito ay makapagpanatili ng peace and order sa lugar.

Magugunitang noong Lunes, nanawagan si Ka Angel sa kaniyang kapatid na si INC Executive Minister Eduardo Manalo na makipag-usap sa kanila ng personal./ Dona Dominguez-Cargullo

TAGS: CHR visits manalo compound, Iglesia ni Cristo, CHR visits manalo compound, Iglesia ni Cristo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.