Mayor sa Lanao del Sur, sinibak dahil sa hindi pag-aksyon sa leave application at backpay ng empleyado
Iniutos ng Office of the Ombudsman ang dismissal mula sa serbisyo ni incumbent Balabagan, Lanao del Sur Mayor Edna Ogka-Benito.
Ito’y matapos mapatunayang guilty sa grave misconduct dahil sa pagbalewala sa rules kaugnay sa pagbibigay ng sweldo at leave approval.
Bukod sa pagkakasibak sa pwesto, si Ogka-Benito ay pinatawan din ng kanselasyon ng eligibility, diskwalipikado nang maupo sa anumang posisyon sa gobyerno at pagbawi sa retirement benefits.
Sa 11-pahinang desisyon, inatasan ng Ombudsman ang regional secretary ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM), na ipatupad ang utos na immediately executory.
Batay sa ombudsman investigators, si Ogka-Benito ay nabigong aksyunan ang leave application at payment ng back salaries ng isang empleyado noong 2014.
Nahaharap din si Ogka-Benito sa kasong kriminal dahil sa paglabag sa Section 3(f) ng Anti-Graft and Corrupt Practices Act (Republic Act No. 3019).
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.