Pilipinas, Inquirer pinasalamatan ng Bangladesh sa pagkakabalik ng nakaw na pera

By Kabie Aenlle September 26, 2016 - 04:48 AM

John-Gomes-0419Nagpasalamat si Bangladesh Ambassador Lt. John Gomes sa pamahalaan ng Pilipinas at sa pahayagan ng Inquirer dahil sa pagkakabalik ng paunang $15 million na bahagi ng $81 million na nanakaw mula sa kanilang central bank.

Ayon kay Gomes, mayroon pa silang inaasahang karagdagang $38.3 million na pondo na maibabalik sa kanilang gobyerno oras na matapos ang nakabinbing paglilitis ng korte sa Maynila.

Ani Gomes, sa Inquirer unang nai-ulat ang tungkol sa $81 million Bangladesh bank heist na itinuturing na isa sa pinakamalaking money laundering na nangyari sa international banking sector.

Ang Inquirer rin aniya ang naglabas ng impormasyon na naging hudyat ng imbestigasyon ng Senado upang malaman kung sino ang mga may pakana nito.

Kaya naman aniya dahil dito, malaki ang pasasalamat niya sa gobyerno ng Pilipinas, pati na rin sa Inquirer.

Tutungo naman dito sa Maynila ang isang high-level delegation ng Bangladesh sa ikalawang linggo ng Nobyembre upang opisyal na tanggapin ang $15 million na narekober na pondo, at para na rin makapulong si Pangulong Rodrigo Duterte at iba pang opisyal.

Matatandaang iniutos ng Manila Regional Trial Court ang pagbibigay ng nasabing pondo sa Bangladesh noong September 19.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.