Bagyong Helen, napanatili ang lakas; Signal no. 1, nakataas sa Batanes Group of Island

By Mariel Cruz September 25, 2016 - 08:14 AM

bagyong-helen-7amNapanatili ng bagyong Helen ang lakas nito habang tinatahak ang direksyong west-northwest.

Sa latest weather bulletin ng PAGASA, ang mata ng bagyo ay matatagpuan sa 1,130 kilometers east ng Aparri, Cagayan.

Taglay nito ang pinaka malakas na hangin na aabot sa 130 kilometers per hour at pagbugso na 160 kph.

Tinatayang gagalaw ang bagyong Helen sa direksyong west northwest sa bilis na 22 kph.

Dahil dito, itinaas na ng PAGASA ang Tropical Cyclone Warning Signal No. 1 sa Batanes Group of Island.

Makararanas naman ng mahina hanggang sa katamtamang mga pag-ulan at pagkidlat-pagkulog ang Metro Manila, MIMAROPA, CALABARZON, Bicol Region, Gitnang Luzon, ilang bahagi ng Visayas at Mindanao.

Bahagyang maulap hanagang sa maulap na kalangitan na may pulu-pulong mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog ang iiral naman sa nalalabing bahagi ng Luzon.

Inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility ang bagyong Helen, Martes ng hapon.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.