Naupo na bilang Mayor ng Cotabato City si Cynthia Guiani-Sayadi, na nanalong Vice Mayor noong nakaraang May 9 election matapos mamatay ang kanyang kaptid na si Mayor Japal Guiani Jr. noong Biyernes dahil sa matagal na nitong iniindang sakit.
Humalili si Guiani-Sayadi bilang alkalde ng lungsod sa isang simpleng seremonya base sa rule of succession na nakasaad sa Local Government Code.
Ipinangako ni Guiani-Sayadi na kanyang ipagpapatuloy ang nasimulan ng kanyang kapatid kauganay ng peace and security, socio-economic at humanitarian thrusts.
Tumakbo ang naturang magkapatid bilang tandem noong nakaraang eleskyon.
Nanumpa din bilang Vice Mayor sa nasabing seremonya si Graham Dumama, na nakakuha ng pinakamadaming boto noong nakaraang eleksyon bilang miyembro ng Sangguniang Panglungsod.
Kaugnay nito, dahil sa nabakanteng puwesto ni Dumama, itinalaga si Japal Guiani III bilang bagong councilor na nanumpa din sa puwesto kasami nina Guiani-Sayadi at Dumama kay Judge Bansawan Ibrahim ng Regional Trial Court Branch 13 ng Central Mindanao.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.