Nagkaroon ng tensyon kanina sa loob ng isang mall sa Divisoria sa lungsod ng Maynila dahil sa bomb scare.
Sinabi ni Manila Police District Station 11 Commander Supt. Amante Daro na pasado alas-kwatro ng hapon kanina ng pansamantalang pinigil ang pagpasok ng mag tao sa 168 Mall.
Isang bag kasi ang nakitang abandonado malapit sa main entrance ng nasabing mall.
Pati ang ilang mga tao sa loob ng shopping area ay pinalayo habang hinihintay ang pagdating ng mga tauhan ng Explosive and Ordnance Division ng MPD.
Pagdating mga MPD bomb squad ay kaagad nilang kinordon ang lugar habang dalawang K9 naman ang lumapit at umamoy sa nasabing bag.
Nang matiyak nilang ligtas na buksan ay kaagad nilang ginamitan ng disruptor ang bag at doon nakita na pawang mga damit lamang ang laman ng pinagkaguluhang bag.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.