Iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi niya personal na kilala ang self-confessed hitman na si Edgar Matobato.
Si Matobato ang self-confessed hitman na itinuturo si Duterte bilang mastermind sa mga extrajudicial killings sa Davao City noong ito pa ang alkalde ng lungsod.
Ayon kay Duterte, hindi niya natatandaan si Matobato dahil noong siya pa ang alkalde, mga pulis ang nakatalaga sa pagbibigay ng seguridad sa kaniya.
Aniya pa, ang kaniyang security detail ay binubuo lamang ng mga pulis o kaya mga sundalo.
Matatandaang sa pagdinig sa Senado, sinabi ni Matobato na bilang miyembro ng Citizen Armed Force Geographical Unit (CAFGU) ay naging security aide siya ng anak ng pangulo at Vice Mayor ng Davao na si Paolo Duterte.
Gayunman, itinanggi rin ito ng presidential son.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.