Albie Casiño, nagsalita na sa ulat na hindi siya ang ama ng anak ni Andi Eigenman

September 24, 2016 - 05:07 AM

albie-casinoNaglabas na ng pahayag ang aktor na si Albie Casiño kaugnay sa pagkumpirma ni Max Eigenman na ang ama ng anak ng kapatid niyang si Andi Eigenman ay si Jake Ejercito.

Sa inilabas niyang pahayag sa Cosmopolitan Philippines, sinabi ni Casiño na masaya siya na ngayon ay nailabas na ang katotohanan at sa wakas ay makakapag-relax na siya.

Nang tanungin naman si Albie kung kailan niya pa nalaman na hindi talaga siya ang ama ni Ellie, sinabi niya na nalaman lang niya ito sa mismong araw na lumabas ang balita.

Bagaman hindi kumpirmado kung may kaugnayan sa isyu, nagpost rin si Albie sa kaniyang Instagram account ng picture na may nakasulat na “Thank You.”

Wala pa namang inilalabas na pahayag sina Andi at Jake kaugnay dito.

Matatandaang ibinunyag ng kapatid ni Andi na si Max sa programa ni DJ Mo Twister na lumabas sa DNA test na si Jake talaga at hindi si Albie ang ama ng kaniyang pamangkin.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.