‘Hindi kami ni Bato ang dapat sisihin sa mga patayan ng drug suspects’ – Duterte

By Kabie Aenlle September 24, 2016 - 03:18 AM

Courtesy of PNP-PIO
Courtesy of PNP-PIO

Sila-sila na mismo ang nagpapatayan.

Ito ang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte tungkol sa nangyayaring pagpatay sa mga drug suspects na inilarawan niya pa bilang “silencing stage.”

Dahil dito, kinwestyon ng pangulo kung bakit lagi na lang sila ni Philippine National Police (PNP) chief Director Gen. Ronald “Bato” dela Rosa ang laging sinisisi sa patayan.

Gayunman, aminado naman ang pangulo na mayroon talagang mga hindi lehitimong hakbang ang pulisya sa kasagsagan ng digmaan kontra droga, lalo’t may mga opisyal na sangkot na rin sa kalakalan nito.

Paliwanag niya, nagpapatayan na ang mga nagtuturuan kung sino ang mga lumaglag kina retired Deputy Director General Marcelo Garbo at Chief Supt. Vicente Loot na aniya’y mga protektor ng mga drug lords.

Samantala, muli namang binanatan ng pangulo ang mga bumabatikos sa kaniyang kampanya laban sa iligal na droga.

Bakit kasi aniya sa kanila lang ng pulisya ang sinisisi kaugnay sa patayan sa Maynila, gayong maraming pulis heneral ang mga gangsters rin.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.