Binibigyan ngayon ng pagpupugay sa Korte Suprema ang pumanaw na si retired Supreme Court Justice Florenz Regalado.
Si Regalado ay sumakabilang buhay nuong nakalipas na linggo sa edad na 86. Nagsilbi siya bilang mahistrado ng Korte Suprema mula 1988 hanggang 1998 ay naging bahagi rin ng 1986 Constitutional Commission.
Si Regalado ang may hawak ng pinakamataas na grado sa bar examinations sa kasaysayan na 96.7 percent nuong taong 1955.
Si Senior Associate Justice Antonio Carpio ang sumalubong sa mga labi ni Regalado nang makarating ito sa Supreme Court Compound.
Dumadalo sa necrological rites na idinaraos sa session hall ng Korte Suprema ang mga kaanak, kaibigan at mga opisyal ng hudikatura./ Ricky Brozas
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.