Bagyong binabantayan ng PAGASA, lalakas pa habang papalapit ng PAR
Posibleng lumakas pa ang bagyong nasa labas ng Philippine Area of Responsibility bago ito tuluyang makapasok ng bansa.
Ang tropical depression na nasa labas ng PAR ay huling namataan sa 1,840 kilometers east ng Luzon.
Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa 55 kilometers kada oras at lumikilos sa bilis na 35 kilometers kada oras sa direksyong west northwest.
Sa Sabado ng gabi ay inaasahang papasok ito ng bansa at sa Lunes ay maaring maramdaman ang epekto nito.
Samantala, easterlies ang naka-aapekto ngayon sa silangang bahagi ng Luzon.
Ngayong araw, sinabi ng PAGASA na makararanas ng bahagyang maulap hangang sa maulap na kalangitan sa buong bansa na may mga pag-ulan lalo na silangang bahagi ng Luzon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.